Dalagita utas sa karambola ng sasakyan

MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa 16-anyos na dalagita habang apat naman ang malubhang nasugatan  matapos magkarambola ang apat na sasakyan sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Turbina, Calamba City,  Laguna kahapon ng umaga.

Sa ulat ni  P/Supt. Marvin Saro, hepe ng Calamba City PNP, naganap ang sakuna pasado alas-7 ng umaga nang magsalpukan ang magkakasunod na shuttle bus, 10-wheeler truck, pampasaherong jeepney at traysikel sa direksyong patungo ng Calamba  City mula Batangas.

Lumilitaw sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, nawalan umano ng preno ang truck kaya inararo nito ang sinusundang jeepney kung saan dumiretso naman sa dalawa pang sasakyan.

Sa lakas ng impact ay nagtalsikan ang mga lulan ng jeepney na minalas namang maipit si Abigail San Pablo ng Puting Lupa, Calamba City.

Naisugod naman sa pagamutan ang mga su­gatang sina Filipina Benedicto, 33, ng Rosario, Batangas; Ma. Corazon Adarlo, 25, ng Batangas City; Christian Mendoza, 34 at Zenaida Gonzaga, 47; pawang nakatira sa Calamba City.

Kalaboso naman ang driver ng truck na si Redulme Mosuela.

Show comments