Mag-iina niratrat sa bahay

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines   - Nasa kritikal na  kalagayan ang 52-anyos na misis at dalawa nitong anak na menor-de-edad matapos na ratratin ng grupo ng kalalakihan kamakalawa ng gabi sa Barangay Lipata, bayan ng  Baleno, Masbate. Kasalukuyang nasa Baleno Rural Health Unit ang mga biktimang sina Melita Laurio, Mark Daniel Laurio, 11; at si Marivic Laurio, 13.  Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na naghahanda ang mga biktima  para matulog sa loob ng kanilang bahay nang umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril. Gayon pa man, napatakbo papasok ng kanilang bahay ang mister na si Nilo kung saan bumulaga sa kanya ang duguang katawan ng mag-iina. Napag-alamang nakikipag-inuman si Nilo sa ilang kaibigan sa bakuran ng kanilang bahay nang maganap ang pamamaril.

 

Show comments