9-anyos ni-rape slay ng adik

QUEZON, Philippines - - Masaklap na pagsalubong  sa Bagong Taon ang naranasan ng pamilya ng 9-anyos na nene matapos itong gahasain at pinatay pa ng di-kilalang lalaki na sinasabing adik sa bawal na droga sa Barangay Pob­lacion, bayan ng San Andres, Quezon  noong Linggo ng hapon. Sa inisyal na ulat ng pulisya, inutusan ang biktima na bumili  ng sigarilyo sa tindahan na di-kalayuan lamang sa kanilang bahay subalit hindi na ito nakabalik hanggang sa matagpuan na lamang ang katawan ng biktima nakahandusay sa damuhan. Sa pagsisiyasat, nabatid na pinatay sa palo ng matigas na bagay ang biktima dahil basag ang bungo nito nang matagpuan at may dugo rin ito sa maselang bahagi ng katawan na palatandaang pinagsamantalahan.

Show comments