Giyera ng MILF sumiklab: 5 patay, 7 sugatan

MAGUINDANAO, Philippines - - Lima ang patay habang pito pa umano ang sugatan nang mu­ling sumiklab ang sagupaan ng dalawang pangkat ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Brgy. Bakat, Rajah Buayan, lalawigan ito.

Ayon kay 6th ID spokesman Col. Dickson Hermoso, sumiklab ang engkuwentro sa pagitan ng 106th at 105th Base Command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nagresulta sa pagkakalikas ng libu-libong residente sa lugar.

Nagsimula ang bakbakan kamakalawa ng umaga at nagpapatuloy ang panaka-nakang putukan ng hanggang gabi.

Sinasabing agawan sa teritoryo ang ugat sa giyera ng mga lider ng dalawang MILF commander.

Kaugnay nito, nananawagan na ngayon si Governor Esmael ”Toto” Mangudadatu sa liderato ng MILF na agad kumilos at itigil ang karahasan dahil maraming sibilyan ang naapektuhan at nadadamay sa labanan dahil lamang sa iringan ng kanilang mga tauhan.

Show comments