GRO natusta sa KTV bar

SANTIAGO CITY, Isabela , Philippines   â€“ Patay ang isang guest relations officer (GRO) habang tatlo pang kasamahan sa trabaho ang kritikal matapos na masunog ang kanilang pinapasukang KTV bar sa Calamagui 2nd, Ilagan City ng lalawigang ito kamakalawa.

Kinilala ang nasawing biktima na si Rubilyn Benito, 23, residente ng Balut, Tondo, Manila habang ang tatlong na­sugatan naman ay nakilalang sina sina Ronalyn Martines, 20, ng Balut, Tondo Maynila; Cris Antonio, cashier, residente ng Calamagui 2nd, Ilagan City at Mark Castaneda, 23, residente naman ng Bagumbayan, Ilagan City, Isabela.

Ayon sa ulat, sumiklab ang sunog dakong-alas-4:30 ng hapon sa Wild Flower KTV bar kung saan stay-in at nagta­trabaho ang mga biktima. Ipinalalagay na tulog ang nasawi at hindi na nagawang makalabas sa nasusunog na bahay.

 

Show comments