2 ‘tulak’ timbog sa drug bust

BULACAN, Philippines - —Isang lalaki at isang tomboy ang naaresto ng pulisya sa isinagawang  drug-bust operation sa bahagi ng Brgy. Sta.Clara, Sta. Maria, Bulacan kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Erick Felizar, 36, ng Brgy. Bagong Silang sa Caloocan City at Charito “Tokneng” Pantaleon, 35, ng Brgy. Abangan Sur sa bayan ng Marilao.

Dakong ala-1:30 ng madaling-araw ay isang impormante ang nagtimbre sa pulisya hinggil sa nakatakdang bentahan ng shabu ng dalawang suspek sa bisinidad ng Walter Mart Shopping Center sa Brgy. Sta. Clara sa naturang bayan at nang makumpirma ay agad na ikinasa ang operasyon sa lugar.

Habang nagmamanman ang mga operatiba ng lokal na DEU sa naturang shopping center at biglang dumating ang isang motorsiklong SYM ( 2814-SG) lulan ang mga suspek at nang sitahin ang mga ito ay dito nasamsam ang ilang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P45,000, isang mahabang kutsilyo at motor­siklong may government plate number.

Show comments