Inambush na ex-vice mayor, pumanaw na

Batangas, Philippines —  Pumanaw na habang ginagamot sa Bauan Doctors Hospital ang 72-anyos na dating vice-mayor ng Bauan matapos tambangan ng riding-in-tandem sa bayan nito kamakalawa ng umaga.Ayon kay Supt Renato Mercado, hepe ng Bauan, ang biktimang si  dating Vice Mayor Julio Magboo Cruzat, residente ng Barangay Baguilawa, Bauan, Batangas ay binawian ng buhay makalipas ang walong oras na nasa kritikal na kondisyon.Ayon sa report, sakay si Cruzat sa kanyang Toyota Revo ( WLU-999 ) at papasok na sana sa kanyang trabaho sa munisipyo nang pagbabarilin ng isa sa dalawang suspek pagsapit sa Barangay Manghinao bandang alas-8:30 ng umaga. Mabilis na naisugod si Cruzat sa Bauan Doctors Hospital kung saan inilagay ito sa intensive care unit pero namatay din ito matapos magtamo ng isang tama ng bala sa likod ng kanyang ulo mula sa calibre 45 pistol. Patuloy ang imbestigasyon sa kaso.

 

Show comments