Ex-vice mayor inambus, grabe

BATANGAS, Philippines - – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang 72-anyos na dating vice mayor ng Bauan matapos tambangan ng riding-in-tandem gunmen sa bayan ng Bauan, Batangas kahapon ng umaga. Naisugod sa Bauan Doctors Hospital ang biktimang si ex-Vice Mayor Julio Magboo Cruzat ng Barangay Baguilawa sa nasabing bayan. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Renato Mercado, hepe ng Bauan PNP, patungong trabaho sa munisipyo si Cruzat sakay ng Toyota Revo (WLU-999) nang pagbabarilin ng tandem pagsapit sa Barangay Manghinao bandang alas-8:30 ng umaga. Nagtamo ng isang tama ng bala ng cal. 45 pistol sa likod ng kanyang ulo kung saan inilagay sa intensive care unit ng nasabing ospital.

Show comments