Bike vs bike: Guro utas, 3 grabe

MANILA, Philippines - Bumulagta ang 28-anyos na guro habang tatlong iba  pa ang malubhang nasugatan makaraang magbanggaan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Comon sa bayan ng Infanta, Quezon kamakalawa. Kinilala ang namatay na si Glen Ford Enyong, guro sa pampublikong paaralan habang naisugod naman sa pagamutan ang mga sugatang sina Grace Enyong, 24, supervisor ng Malachni Resort; Michael Macasinag, 16; at si Jecil Pacao, 17. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, kaangkas sa motorsiklo ng guro ang kapatid na babae nang makabanggaan ang motorsiklo ni Macasinag pagsapit sa nasabing barangay.

Show comments