School sinunog ng supporter ng natalong chairman

MANILA, Philippines - Sinunog ng mga supporter ng natalong barangay chairman ang Day Care School sa bayan ng Montawal, Maguindanao noong Lunes ng gabi.

Ayon kay Captain Antonio Bulao, spokesman ng Army’s 602nd Infantry Brigade, natukoy naman ang mga nanunog na mga supporter ni Maotan Dalimbang Kasim, natalong kandidatong  chairman  sa Barangay Nabundas sa ginanap na eleksyong pambarangay noong Oktubre 28.

Nabatid na si Kasim at ang kapatid nitong si Tatoh ay miyembro ng 110th Base Command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Kaugnay nito, ayon kay Brig. Gen. Ademar Tomaro, commanding officer ng Army’s 602nd Infantry Brigade magsasampa sila ng kasong panununog laban sa naturang grupo ng MILF sa Joint Ceasefire Committee.

Lumilitaw naman sa i­nisyal na imbestigasyon na hindi matanggap ng grupo ng magkapatid na Kasim ang pagkatalo ng kanilang manok sa barangay elections.

Show comments