10 arestado sa droga at alak

BULACAN , Philippines   â€“ Arestado ang sampung kalalakihan kabilang ang dalawang menor-de-edad magtapos maaktuhang nag-iinuman ng alak at humihithit ng damo sa gitna ng kalsada sa Brgy. Muzon, San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon ng madaling araw. Pormal na kakasuhan ang mga suspek na sina Fernan Torres, 18; Jericho Labaya, 24; Phillip Baculi, 21; Glen Cervantes, 25; Lorenz Gayanan, 18; John Paul Bebelone, 18; Jason Ojastro, 22; Reymundo Duran, 28; pawang nakatira sa Francis Homes Subd. sa Barangay Yakal. Samantala, ang dalawang menor-de-edad naman ay dinala sa lokal na sangay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ayon kay PO3 Richard Manuel, ang mga suspek ay magkakasamang nag-iinuman sa bisinidad ng Pabahay 2000 kahit may pinaiiral ang liquior ban dahil sa nakatakdang barangay elections.

Show comments