1 sundalo, 3 Cafgu patay sa NPA attack

MANILA, Philippines - Isang sundalo at tatlong miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) ang napatay habang tatlong iba pa ang sugatan makaraang salakayin ng mga rebeldeng New People’s Army ang outpost ng security forces sa Sitio Lantad, Barangay Kibanban, bayan ng Balingasag, Misamis Oriental kahapon ng madaling-araw.

Ang pag-atake ng mga rebelde ay naganap habang natutulog ang mga residente kung saan iginapos pa ang ilang nagbabantay sa outpost.

Nasunog din ang outpost na gawa sa light materials dahil sa matinding tama ng mga bala ng mala­lakas na kalibre ng baril ng mga rebelde.

Napag-alamang tinawag na Village of Hope ang nasabing outpost noong 2005 dahil naitayo ito sa tulong ng mga sundalo at opisyal ng lokal na pamahalaan matapos mapalaya sa mga kamay ng rebelde.

Samantala, nagsasagawa na ng hot pursuit ope­ration ang tropa ng 58th Infantry Battalion ng Phil. Army para sa reinforcement na tumutugis sa mga rebelde.

Show comments