Drayber nagbigti sa kahirapan

CAVITE , Philippines  - Natuluyan sa ikalawang pagkakataong na magpasalubong kay kamatayan ang 59-anyos na trike driver dahil sa matinding kahirapan sa buhay matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Barangay Javalera, bayan ng General Trias, Cavite kahapon ng umaga. Ayon kay PO3 Jon Jon Pilapil, bandang alas-5 ng umaga nang matagpuan ang nakabiting katawan ni Nicolas Puebla sa ilalim ng hagdan ng kanilang bahay. Nabatid na desperado na ang  biktima dahil sa hirap ng buhay at may nararamdaman pa itong sakit sa katawan kaya nagdesisyong magpasalubong kay kamatayan. Napag-alaman din na nauna na itong lumaklak ng insecticide pero naagapan ng kanyang pamilya.

 

Show comments