Bombero dinedo ng kabaro saka nag-suicide

BATAAN, Philippines – Binaril at napatay ang 44-anyos na tauhan ng Bureau of Fire Protection ng kanyang kabaro na nagbaril naman sa sarili matapos ang nakikipagtalo sa kanyang nobya sa Barangay Tagumpay, bayan ng Orani, Bataan kamakalawa ng gabi.

Idineklarang patay sa Bataan General Hospital sina SFO2 Charlie Mendoza, 52, ng Brangay Sibul, Orani, at nakatalaga sa Dinalupihan Fire Station at FO2 Enrico Caraan ng Brgy. Tugatog at nakatalaga naman sa Orani Fire Station.

Sugatan naman ang sinasabing nobya ni Mendoza na si Arlyn Lopez, 47, ng Barangay Mulawin sa bayan ng Orani.

Sa ulat  ni P/Insp. Ja­nice Piga ng Bataan PNP, naganap ang krimen sa apartment na inuupahan ni Caraan kung saan nag-iinuman ang tatlo.

Nabatid na nagkainitan ang magkalaguyong sina SFO2 Mendoza at Lopez kung saan sinuntok ng la­laki ang babae na gumanti naman.

Dito na pinagbabaril ni Mendoza ang nobyang si Lopez kung saan tinangka namang awatin ni Caraan pero pinagbabaril naman siya ng kabaro.

Matapos ang pamamaril ay nagbaril sa sa­rili si Mendoza.

 

Show comments