70-anyos lolo tinodas ng apo

NORTH COTABATO, Philippines – Napaslang ang 70-anyos na lolo makaraang pagbabarilin ng  apong lalaki sa loob ng kanilang bahay sa Purok Marang, Barangay Saguing, bayan ng Makilala, North Cotabato, kahapon.

Kinilala ng Makilala PNP ang biktima na si Manuel Gamao habang kinilala naman ang suspek na si Gerry Pequit, 23.

Ayon sa police report, nakipagtalo ang biktima sa kanyang apo kaugnay sa pag-uwi nito ng lango sa alak araw-araw.

Minasama naman ng suspek ang tinuran ng kanyang lolo kaya pinagbabaril gamit ang airgun.

Napuruhan sa ulo at dibdib ang biktma kung saan naisugod pa ito sa ospital pero binawian din ng buhay.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya habang pinaghahanap naman ang suspek.

Show comments