Mister nilikida ng 14-anyos

MANILA, Philippines - Bulagta ang 53-anyos na mister matapos na tambangan ng 3-katao kabilang ang 14-anyos na lalaki sa liblib na bahagi ng Barangay Mampang, Zambonga City, Zambonga del Sur noong Lunes ng gabi.

Idineklarang patay sa Zamboanga City Medical Center ang biktimang si Alih Jani na napuruhan sa ulo.

Sa ulat ni P/Chief Inspector Ariel Huesca, spokesman ng police regional office 9, naganap ang pananambang sa bisinidad ng Kilometer 8 dakong alas-8:30 ng gabi.

Tinukoy naman ng ilang testigo ang mga suspek na mag-amang sina Ustadz Arastam Tarasain, 53; Alsam Tarasain, 14; at isang hindi pa kilalang lalaki.

Sa imbestigasyon ng pulisya, tumatawid sa kalsada ang biktima upang ayusin ang linya ng tubig nang biglang lapitan at pagbabarilin ng mga suspek na lulan ng motorsiklo.

Ayon sa mga testigo, may hawak ding baril ang 14-anyos na binatilyo na pinutukan din ang biktima bago nagsitakas sakay ng motorsiklo.

Show comments