Binata sinermonan ng lola, nagbigti

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€“ Pinaniniwalaang dinamdam ng 19-anyos na binata ang sermon ng kanyang lola matapos itong magbigti sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Tanglag, bayan ng Rosario, La Union kamakalawa.
 Kinilala ni P/Senior Insp. Orly Pagaduan, hepe ng Rosario PNP, ang biktima na si Alinor Noselyado.
 Ayon kay Pagaduan, dinamdam ng biktima ang ginawang panenermon ng kanyang lola kaugnay sa pagdadala nito ng iba’t ibang babae sa kanilang bahay. Nabatid na ilang ulit na nahuli ng matanda ang pagdadala ng babae sa bahay ng biktima kung saan nagalit  ng ito at pinagsabihan ang kanyang apo. Hindi naman inakala ng matanda na kusang magpapasalubong kay kamatayan ang biktima kaugnay sa ginawang panenermon.

Show comments