Mag-asawang rebel official sumuko

MANILA, Philippines - Boluntaryong sumuko sa tropa ng militar ang isang mag-asawang kapwa opisyal ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Santander, Bobon, Northern Samar kama­kalawa. 

Kinilala ni Captain Amado Gutierrez, Spokesman ng Army’s 8th Infantry Division (ID) ang mga sumuko na sina Lemuel Moreno, Squad Leader at Nida Moreno, Medical Officer; pawang ng Northern Samar Provincial Committee ng NPA.

Bitbit ang kanilang mga armas na dalawang cal.45 pistol na may dalawang magazine na puno ng mga bala ay sumurender ang mga ito sa mga elemento ng Army’s 20th Infantry Battalion.

Sinabi ng mag-asawa na nais na nilang landasin ang pagbabagumbuhay kaya nagbalikloob sa gobyerno.

Isinasailalim na ang mga ito sa masusing tactical interrogation ng militar.

Show comments