Brgy. Chairman niratrat

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Binawian ng buhay noon din ang isang 42 anyos na Brgy. Chairman makaraang paulanan ng bala ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin sa Pulot Proper, Lagayan, Abra kamakalawa. 
Kinilala ni Sr. Insp. Apdilon Galong, hepe ng pulisya sa bayang ito ang biktima na si Trayong Donato na sinasabing kagagaling lamang sa kanyang sakahan ng tambangan siya pauwi ng mga salarin.
 Nagtamo ng tama sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima mula sa  carbine at M14 rifle na ang mga basyo ay natagpuan sa crime scene.
 Inaalam ng pulisya kung may kaugnayan sa nagdaang eleksiyon o asunto sa lupa ang motibo ng pagpatay.


Show comments