North Cotabato isinailalim sa state of calamity

KABACAN, North Cotabato, Philippines – Isinailalim na kahapon sa state of cala­mity ang buong lalawigan ng North Cotabato dahilan sa patuloy na mga aftershocks matapos ang 5.7 magnitude ng lindol noong Hunyo 1.

Sa tala ng Provincial Disaster Risk and Reduction Management, umaabot na sa 1,216 mga indibwal ng apektado ng lindol partikular na sa bayan ng Carmen.

Noong Hunyo 3 ay una ng isinailalim sa state of calamity ang bayan ng Carmen bunga ng matinding epekto ng lindol sa kabuha­yan, mga tahanan at maging sa mga istraktura dito.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang mga aftershocks sa lugar na hanggang kamakalawa ng gabi ay umabot sa 198 ang naitala at 11 dito ang malalakas na ikinasira ng ilan pang mga bahay sa lugar.

Show comments