^

Probinsiya

Trak vs van: 6 patay, 8 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Anim-katao ang iniulat na nasawi habang walo pa ang nasugatan matapos magbangaan ang 10-wheeler truck at van sa kahabaan ng national highway sa bayan ng Parang, Maguindanao kahapon ng hapon.

Sa inisyal na ulat ni P/Senior Supt. Rodelio Jocson, director ng Maguindanao PNP na isinumite sa Camp Crame, naganap ang trahedya sa bahagi ng Barangay Sarmiento bandang alas-3 ng hapon.

Isinugod naman sa pa­gamutan sa Cotabato City ang mga nasugatang biktima kabilang ang ilang nasa kritikal na kalagayan.

Gayon pa man, inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga nasawi at nasugatan dahil patuloy pa ang imbestigasyon sa pinangyarihan ng salpukan.

Nabatid na bumabagtas sa highway ang Toyota Innova nang makasalubong ang 10-wheeler truck kung saan nasawi ang anim-katao.

Sumaklolo naman ang resue team ng lokal na pamahalaan upang maisugod sa ospital ang mga sugatan.

BARANGAY SARMIENTO

CAMP CRAME

COTABATO CITY

GAYON

ISINUGOD

MAGUINDANAO

RODELIO JOCSON

SENIOR SUPT

TOYOTA INNOVA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with