Obrero pinugutan sa inuman

BULACAN, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 25-anyos na obrero matapos na pagtatagain ay pinugutan pa ng kanyang kainuman sa Barangay Dulong Bayan, San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Sa ulat ng pulisya, nag-iinuman ang biktimang si Gerry Mariano at tatlo nitong pinsan sa bakuran ng kanilang bahay nang dumating ang suspek na si Jose Olivara kasama ang  ka-live-in nito. Inalok ng biktima na makihalo sa kanilang kasiyahan kung saan pinaunlakan naman ng suspek subalit  makalipas ang ilang sandali ay biglang nagkasigawan ang dalawa. Gayon pa man, umuwi ang suspek subalit binalikan at pinagtataga ang biktima habang nakikipag-inuman.

Show comments