Magtiyuhin itinumba ng tandem

MANILA, Philippines - Magkasunod na napatay ang barangay chairman at pamangkin nitong lalaki matapos na pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa bahagi ng Barangay Mahayahay sa bayan ng Kumalarang, Zamboanga del Sur noong Martes ng hapon. Kinilala ang magtiyuhing napatay na sina Barangay Chairman Alejandro Alijay at Samuel Gimena. Sa ulat ni P/Chief Inspector Ariel Huesca na isinumite sa Camp Crame, lumilitaw na magkaangkas sa motorsiklo ang magtiyuhin nang harangin at ratratin ng riding-in-tandem assassins pagsapit sa bahagi ng Purok 3 sa nabanggit na barangay.

Show comments