Napatigil sa pag-aaral, nagbigti

CAVITE , Philippines  â€“ Nagpasalubong kay kamatayan ang 20-anyos na dating estudyante sa Adamson University kung saan huminto sa pag-aaral matapos  itong magbigti sa bakanteng bahay sa Meadow Ville Subd., Barangay Pasong Buaya 2 sa Imus City, Cavite kahapon ng umaga. Sa ulat ni PO3 Allan Reyes, tumigil sa pag-aaral ang biktimang si Martin Matthews Era dahil sa matinding problema sa school. Pinaniniwalaang dinamdam ng biktima na pansamantalang mapahinto sa pag-aaral kaya nagdesisyong magbigti.

Show comments