^

Probinsiya

32 LP bets, supporters laya na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinalaya na ang 32-kandidato at supporters ng Liberal Party (LP)  noong Huwebes ng gabi matapos arestuhin ng Malaysian police dahil sa pag-aakalang mga sympathizers ng grupo ni Sultan Jamalul Kiram III.

Ito ang kinumpirma kahapon  ni Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) acting Governor Mujib Hataman.

Bandang alas-6:30 ng gabi  ng palayain na ng Malaysian authorities ang grupo nina Rommel Matba, mayoralty bet at Amman Matba, vice mayoralty bet na kapwa kandidato sa bayan ng Languyan, Tawi-Tawi.

Ang mga ito ay inaresto noong Lunes matapos na mapadpad ang nasiraang bangka sanhi ng malakas na alon sa teritoryo ng Malaysia habang patungo sana sa proclamation rally  sa Mapun at Taganak Island.

Sa kasalukuyan ay nasa bahagi na ng Taganak Island sa Tawi-Tawi  ang mga kandidato at supporters ng LP matapos pakawalan ng Malaysian forces.

Ang pagpapalaya sa grupo ay resulta ng negosasyon ni Philippine Ambassador to Malaysia Ed Malaya sa pamahalaang Malaysia.

vuukle comment

AMMAN MATBA

AUTONOMOUS REGION

GOVERNOR MUJIB HATAMAN

LIBERAL PARTY

MALAYSIA ED MALAYA

MUSLIM MINDANAO

PHILIPPINE AMBASSADOR

ROMMEL MATBA

SULTAN JAMALUL KIRAM

TAGANAK ISLAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with