Koreano naglaslas ng pulso, nagbigti pa

CAVITE, Philippines – Isang Korean national ang natagpuang nakabigti sa loob ng isang ginagawang bahay sa Brgy. Lalaan 2 Silang Cavite kahapon ng umaga.

Nakilala ang biktima sa nakuhang ID  sa bulsa nito na si Hoon Byoung Jin, tinatayang nasa edad na 50 -anyos.

Batay sa imbestigasyon, ganap na alas- 6:00 ng umaga ng matagpuan ang nakabigting katawan ng biktima sa loob ng isang  construction  house  na pag -aari ni Hesusita Baybay ng nasabing lugar.

Nakabigti ang biktima at nakapulupot sa leeg nito ang isang kulay itim na sinturon, gayunman sa pagsisiyasat ng pulisya, nakitaan din ang biktima ng isang hiwa sa kaliwang pulso nito.

Narekober ng pulisya ang isang blade cutter, 4 na piraso ng tissue na may bahid ng mga dugo. Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng follow up ang pulisya hinggil sa nasabing insidente, inaalam din kung may naganap na foul play sa pangyayari.

 

Show comments