Bahay grinanada: 2 dedo

MANILA, Philippines - Dalawa-katao ang iniulat na nasawi habang isa pa ang na­sugatan makaraang hagisan ng granada  ng di-kilalang lalaki ang bahay sa Barangay Mahalang, Himamaylan City, Negros Occidental kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya Idinekla­rang patay sa ospital ang magpinsang sina Jonathan at Ranie Sebugero habang nasugatan naman isa pang kamag-amak ng magpinsan na hindi natukoy ang pagkakakilanlan. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na nagpapahinga ang magpinsan sa loob ng kanilang tahanan nang su­mabog ang granada na inihagis ng hindi kilalang kalalakihan. Pinani­niwalaang alitan sa lupa ang isa  sa motibo ng pagpapasabog habang patuloy ang imbestigasyon.

Show comments