Suicide sa Valentine’s Day

CAMARINES NORTE, Philippines – Pinaniniwalaang naaburido sa gastos sa ospital ng kanilang anak kaya nag-suicide ang 23-anyos na mister sa harap ng kanyang misis  sa Barangay San Roque sa bayan ng Tinambac, Camarines Sur noong Valentine’s Day. Hindi na umabot

ng buhay sa pagamutan ang biktimang si Porserio Lopez matapos saksakin ang sarili. Nabatid na ilang araw na rin wala sa tamang pag-iisip ang biktima mula nang magkasakit ang kanilang tatlong buwang gulang na sanggol at malimit ma-ospital. Bago naganap ang

pagpapakamatay, nauna ng nagparamdam ang biktima sa kanyang misis na posibling maagang mabiyuda ito.

Show comments