Senglot hulog sa ilog, dedo

CAMARINES NORTE , Philippines   - Dahil sa pagkalango sa alak ay maagang sinalubong ni kamatayan ang 63-anyos na mister matapos itong mahulog sa ilog kamakalawa ng umaga sa Barangay Tukwas Sogod sa bayan ng Nabua, Camarines Sur. Dalawang araw bago lumutang ang bangkay ng biktimang si Francisco Royong ng Barangay La Purisima sa nabanggit na bayan. Huling namataang buhay ang biktima na dumalo kapistahan at nakipag-inuman sa kanyang mga kaibigan sa nasabing barangay. May teorya ang pulisya na nadulas sa tulay ang biktimang lango sa alak kaya nagtuluy-tuloy na nahulog sa ilog.

 

Show comments