Pumatay sa driver dedo sa pulis

BULACAN, Philippines  – Kamatayan ang sumalubong sa 25-anyos na lalaking pumatay sa traysikel driver matapos itong pagbabarilin ng pulis sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Canalate sa Malolos City, Bulacan kahapon ng madaling araw. Base sa police report, sinaksak at namatay ang trike driver na si Arman Villena ng suspek na si Carlos Ablaza bago nagtago sa kanilang bahay. Lingid sa suspek ay namataan siya ng ilang barangay tanod at ipinaabot ang insidente kay PO3 Pedro Arellano.  Kaagad naman tinungo ng ilang barangay tanod kasama si PO3 Arellano ang kinaroroonan ng suspek para arestuhin ito. Dito na nanlaban si Ablaza gamit ang patalim kaya pinutukan at napatay ni PO3 Arellano.

Show comments