Albularyo nilikida sa bahay

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Napaslang ang 43-anyos na albularyo matapos pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa loob ng kanyang  bahay sa Barangay Ballai sa bayan ng Bauang, La Union kamakalawa ng gabi. Dalawang tama ng cal. 45 pistol sa dibdib ang tumapos sa buhay ni Sylvia Aris  kung saan nagimbal ang kanyang pamilya sa nasaksihang pamamaslang sa kanilang nanay. Nabatid na pinasok ng gunman ang tahanan ng biktima kung saan ay naabutan itong nagpapahinga sa sala kasama ang kanyang mga anak. Nabatid na sinisisi ang biktima ng kanilang kaanak matapos mamatayan dahil sa maling diagnosis nito. Noong nakalipas na linggo, buong pulisya sa bayan ng Tubao ang inilipat dahil sa hindi masawatang patayan na hindi nalulutas.

 

 

Show comments