Insentibo sa investors, inilatag ng Apeco

AURORA, Philippines - Isang kasiya-siyang pakete ng mga insentibo at pagiging libre sa buwis ang inilahad ng Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority para sa mga mamumuhunang negosyante sa bayan ng Casiguran, Aurora. 

Ayon kay Apeco President at CEO Malcolm Sarmiento, Jr. malinaw na nakasaad ang mga pribilehiyong ito sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Batas Republika 9490 na lumikha sa Aurora Special Economic Zone Act of 1997.

 Maliban sa real estate tax, ang lahat ng negosyong rehistrado sa Apeco na nasa Aurora ecozone ay pagkakalooban ng mga benepisyo ukol sa buwis, kasama na ang pagiging libre sa pagbabayad ng franchise tax, documentary stamp tax, excise tax, at mga buwis ng rentas internas gaya ng VAT, expanded VAT at iba pang buwis ukol sa pagbebenta ng mga kalakal at serbisyo. Ang isa pang insentibo na makakaakit sa mga inves­tgors ay ang income tax holidays para sa tatlong kategorya ng negosyo kung saan apat na taong income tax holiday ang ibibigay sa rehistradong lokal na negosyo.

Sa ikalawang kategorya, anim na taong income tax holiday naman sa negosyo sa less developed areas.

Samantala, anim na taon ding income tax holiday ang ipagkakaloob sa mga rehis­tradong export enterprises na nasa ikatlong kategorya.

 

Show comments