3 tulay sa Isabela, lumubog

ILAGAN CITY , Philippines - Tatlong tulay sa Isabela ang iniulat na lumubog sa tubig-baha matapos umapaw ang ilog sa Cagayan dahil sa pagbubukas ng Magat Dam sa bayan ng Ramon kung saan sinasabing nasa kritikal na level ang tubig. Ayon kay P/Supt. Franklin Mabanag, dalawang floodgates ang binuksan sa nasabing dam matapos umabot sa 193 metro ang tubig kung saan sinasabing nasa critical level ito dahil sa patuloy na pag-ulan. Lumubog ang mga overflow bridges na nag-uugnay sa mga bayan ng Cabagan at Sto. Tomas habang dalawang tulay naman sa bayan ng Echague dahil sa pagtaas ng tubig sa Cagayan River. Samantala, sinabi ni Mabanag na inatasan na niya ang kapulisan na doblehin ang inatasan para masiguro ang peace and order sa pagdagsa ng mga residente sa sementeryo sa pagdaraos ng All Soul’s Day.

 

Show comments