Jeepney bumaliktad: 26 sugatan

MANILA, Philippines - Aabot sa 26 -pasahero ang iniulat na nasugatan at nabalian ng buto makaraang bumaliktad ang sinasakyan jeepney sa matarik na bahagi ng highway sa Barangay Paroyhog sa ba­yan ng Sta Maria, Romblon kamakalawa ng umaga.

Base sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, anim sa mga biktima ay isinugod sa Rural Health Unit sa bayan ng Sta. Maria habang ang 17 naman ay dinala sa Don Modesto Formilleza Senior Memorial Hospital sa Looc  at ang tatlo sa Romblon Provincial Hospital.

Kabilang sa mga na­sugatan ay sina Jane Waren, Shannel Manes, Sarah Manzala, Rosalinda Famis, John Derek Famis, Laila del Mundo, Linelyn Juanzo, Mc Allen Sharex Juanzo, Stella Marie Fajilan, Maricel Fajilan, Karen Famorcan, Almodena Mores, Marjean Trivalles, at 12 iba pa.

Lumilitaw na bumabagtas ang pampasaherong jeepney (DVA 358)  na pag-aari ni Ronald  Faner Sacapano mula sa Calatrava, Romblon nang dumausdos habang paakyat sa matarik na highway.

Dito na nawalan ng kontrol sa manibela ang driver hanggang sa bumaliktad ang jeepney.

 

Show comments