^

True Confessions

Huling Eba sa Paraiso (16)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Hindi malaman ni Drew kung bakit parang hinahatak ang kanyang mga paa na ­muling magtungo sa sapa kung saan nakita niyang naliligo ang babae. Parang may nagbubulong sa kanya na magpunta roon dahil maliligo muli ang babae. Tumatanggi ang isip niya pero malakas ang hatak na sundin ang bumubulong sa kanya.

At nanaig ang bumubulong sa kanya. Nagtungo siya sa sapa – sa mismong lugar na kinakitaan sa babae. Mabuti na lamang at wala si Tikoy. Nasa Pambisan ito at sinusundo ang mga trabahador na gagawa sa kanal para mapatubigan ang palayan. Mamayang hapon pa darating si Tikoy dahil may kalayuan ang Pambisan.

Mabilis siyang naglakad patungo sa sapa. Tila may humahatak nga sa kanya patungo sa sapa. Hindi kaya engkantada ang babaing nakita niya sa sapa at ganito kalakas ang pang-akit. Minsan nasabi ni Tikoy na baka ang nakita niyang babae na nananalbos ng pako ay engkantada. Pero naisip naman niya, mayroon bang engkantada na ang suot ay karaniwang daster. Kung engkantada, dapat busilak sa kaputian ang suot. Sa palagay niya, hindi engkantada ang babae dahil kung engkantada, dapat nalaman na mayroong namboboso sa kanya habang naliligo. Hindi engkantada o fairy ang babae – karaniwang babae lang ito pero may pang-akit.

Narating ni Drew ang sapa na kinakitaan sa babae. Dahan-dahan niyang tinungo ang damuhan kung saan siya nagtago noon. Doon siya muling pumuwesto.

Sumilip siya sa pagitan ng mga dahon at damo. Wala pa ang babae. Ang tanging naririnig niya ang lagaslas ng tubig mula sa sapa. Nakakarinig din siya ng huni ng mga ibon – maria kapra at batu-bato na nasa pampang ng ilog.

Maliligo kaya ang babae? Tanong niya sa sarili. Lumupagi siya sa damuhan. Kinapa niya ang cell phone sa bulsa. Nakahanda siya sakaling maligo ang babae. Kukunan niya ng retrato ang babae.

Maya-maya, nakarinig ng mga yabag si Drew. Nang tumingin siya sa kabilang pampang, nakita niyang paparating ang babae.

Habang papalapit, nakikilala niya ang babae. Ito ang babaing nananalbos ng pako! Hindi siya maaaring magkamali. Sabi na nga ba at iisa sila. Dumalas ang sikdo ng dibdib ni Drew. (Itutuloy)

vuukle comment

DREW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with