^

True Confessions

Monay (119)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KINABUKASAN, masayang bumalik sa Maynila sina Joem at Mam Cath.

Si Mark ang unang na­kaalam ng relasyon nina Joem at Mam Cath. Ni­yaya ni Joem si Mark sa seafood restaurant na lagi nilang kinakainan ni Mam Cath. Paglabas nila ng opisina ay sa restoran na sila nagtuloy.

‘‘May sasabihin akong mahalaga, Mark. Ikaw pa lang ang unang maka­kaalam nito,’’ sabi ni Joem nang magkaharap na sila sa mesa. Inilalagay na ng waiter ang order nilang alimasag at hipon at mga sawsawan.

“Sabi ko na nga ba at mayroon kang sasabihin. Kinutuban na ako kanina nang magyaya ka. Hindi mo naman birthday. Ano ba ‘yun, Bro?’’

“Kumain muna tayo at baka magulat ka sa sasabihin ko e hindi ka na makakain.’’

“Sige. Nagugutom na nga ako. Mukhang marami akong makakain dahil nga­yon lang ako nakakita ng sariwang hipon at alimasag. Mukhang sanay na sanay ka na rito, Bro.’’

“Oo. Dito ako kumakain lagi.’’

“Iba talaga kapag VP, sa masarap kumakain.’’

‘‘Dito kasi gusto ni Cath.’’

Napatigil sa pagbabalat ng hipon si Mark. Umarko ang kilay habang nakati­ngin kay Joem.

“Teka mukhang may kinalaman si Mam Cath sa ipagtatapat mo, Bro.’’

“Magaling ka talagang manghula, Mark.’’

“Anyare, Bro? Ipagtapat mo na.’’

“Nobya ko na si Cath. Balak ko na siyang paka­salan. Mahal na mahal ko.’’

Hindi na itinuloy ni Mark ang pagbabalat sa hipon dahil sa narinig. Nagulat siya pero saglit lang at saka biglang binati ang kaibigan.

“Congrats Bro. Sabi ko na nga ba. Noon pa may kutob na ako. Napakasuwerte mo talagang tao – walang kasingsuwerte!’’

“Salamat Mark. Ikaw ang bestman ko sa wedding namin.”

“Areglado, my friend.”

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with