^

True Confessions

Monay (114)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NARAMDAMAN ni Mam Cath ang mainit na labi ni Joem nang lumapat sa kanyang palad. May nanulay na kakaibang kur­yente sa buo niyang katawan.

‘‘Joem!’’

Mahina niyang sabi na halos ay pabulong na nga at tila may kaba.

Ibinaba ni Joem ang palad ni Mam Cath pero hawak pa rin ito at masu­yong pinipisil-pisil.

Mga ilang segundo rin silang nilamon ng katahimikan. Tanging ang hampas ng alon ang maririnig sa di-kalayuan.

Si Mam ang bumasag ng katahimikan.

‘‘Anong ibig ng paghalik mo sa palad ko Joem?’’

‘‘Tanda ng pagmamahal.’’

Hindi nakakibo si Mam Cath. Nakatingin lang kay Joem.

Nagpatuloy sa pagsasalita si Joem.

‘‘Ganyan akong mag­pa­kita ng pagmamahal sa ba­baing sinasamba ko. Gusto kong madama ang init ng kanyang palad.’’

Nakatingin pa rin si Mam Cath kay Joem. Hindi siya makapagsalita na parang nahipnotismo ni Joem.

Nagpatuloy si Joem sa pagsasalita. Wala nang makakapigil pa sa kanya.

‘‘Gusto kong malaman mo, mahal na mahal kita. Hindi ko na kayang itago pa. Kapag itinago ko pa ito ay baka sumabog – baka sumambulat.’’

Bahagyang napangiti si Mam Cath.

‘‘Gusto kong malaman kung ano ang sagot mo. Sagutin mo ako Cath.’’

Tuluyan nang napangiti si Mam Cath. Pinakamatamis na ngiti sa buong buhay niya.

“Kailangan pa ba kitang sagutin? Hindi mo ba nakikita sa kilos ko?’’

“Gusto ko manggaling sa bibig mo. Gusto kong marinig.’’

“Ay ang arte naman ng mama.’’

“Sige na. Sabihin mo. Gusto kong marinig.’’

“Oo. Mahal din kita!’’

“Yes!’’

Sabi ni Joem at pinupog ng halik si Mam Cath.

“Joem! Joem!’’

“Mahal na mahal kita Cath.’’

Yumakap si Cath kay Joem. Ginanti ni Joem ng yakap.

Pinakamasayang pangyayari sa kanilang buhay. (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with