PSPG lang nagtatalaga ng police escort - PNP chief
Sa ‘moonlighting’ ng 2 SAF
MANILA, Philippines — Makaraang muling masangkot sa gulo ang dalawang miyembro ng PNP Special Action Force, sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Francisco Marbil na tanging ang Police Security and Protection Group (PSPG) ang awtorisadong magbigay ng seguridad sa ilang piling indibiduwal.
Ayon kay Marbil, nabunyag ang “moonlighting” o hindi awtorisadong pag-e-escort ng mga SAF members na sina Cpl. George Mabuti at Pat. Roger Valdez sa ilang Chinese na opisyal ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).
Sinabi ni Marbil na hindi sakop ng tungkulin ng SAF na magbigay ng anumang seguridad lalo pa’t ito ang itinuturing na elite force ng PNP.
“They cannot provide security. The only unit of the PNP that can give you security is the PSPG. Other units are prohibited from doing it, especially SAF,” ani Marbil.
Nilinaw rin ni Marbil na ang PSPG ay kinabibilangan ng mga “protective security personnel” na bihasa sa pagbibigay seguridad at awtorisado ng batas para sa mga private individuals.
- Latest