^

Probinsiya

Magdyowa timbog sa P3.4 milyong shabu

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Magdyowa timbog sa P3.4 milyong shabu
Kapwa sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na kinilalang sina Naneth Formalejo Obias, 33-anyos at Anthony Ranin Ariola, 23, pawang residente ng naturang lugar.
Miguel De Guzman

GOA, Camarines Sur, Philippines — Kapwa kalaboso ang mag-live in partners matapos maaresto at makuhanan ng higit sa 3.4 milyong pisong halaga ng shabu sa ginawang buy-bust ng mga ahente ng Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Zone-3,Brgy.Matacla ng bayang ito kamakalawa ng umaga.

Kapwa sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na kinilalang sina Naneth Formalejo Obias, 33-anyos at Anthony Ranin Ariola, 23, pawang residente ng naturang lugar.

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng umaga, makaraang magpositibo sa ilang araw na surveillance at test buy ay agad inilatag ang buy-bust ope­ration ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Camarines Sur at PDEA-Regional Special Enforcement Team sa overall supervision ni regional director Atty. Gil Pabilona, sa tulong ng pulisya.

Hindi na nakatakas pa ang magdyowang suspek matapos arestuhin ng mga operatiba makaraang iabot sa poseur buyer ang biniling droga.

Nabawi sa mga suspek ang ilang sachet ng shabu at dalawang malalaking bungkos ng plastic bag na may lamang shabu na tumi­timbang ng 510 gramo at nagkakahalaga ng P3,468,000.

vuukle comment

PDEA

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with