^

Probinsiya

Dalaga, timbog sa P267K halaga ng shabu

Christian­ Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

SAN ISIDRO, Nueva Ecija , Philippines — Inaresto sa isinagawang drug buy-bust operation ang  28-anyos na dalaga makaraang mabilhan umano ng oto­ridad ng halos P270,000 na halaga ng hinihina­lang shabu sa Barangay Poblacion, noong Sabado ng hapon.

Kinilala ni P/Col. Rhoderick Campo, officer-in-charge ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), ang nahuling suspek na si Lorena Cebuano, alyas “Tomboy”, ng Barangay Mabini Homesite, Cabanatuan City.

Ayon sa ulat, ala-1:40 ng hapon  ay nagsagawa ng buy-bust operation sa naturang lugar ang sa­nib-puwersa ng San Isidro Police at Provincial Intel Unit ng NEPPO, sa pakikipagkoordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency – Regional Office  (PDEA-RO3).

Nabilhan umano ng police poseur-buyer ang suspek ng dalawang pirasong plastic sachet ng umano’y shabu kapalit ng P500 bill ‘marked money’ at sa puntong iyon ay agad na inaresto ang suspek.

Kinapkapan ang suspek at nakuha pa sa kanyang pag-iingat ang siyam pang pirasong plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Ayon kay Col. Campo, aabot sa 55 gramo ang timbang ng nakuhang 11-sachet ng umano’y shabu na aabot umano sa halagang P266,750.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa sections 5 and 11, article II ng RA 9165 o mas kilala sa Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002.

vuukle comment

RHODERICK CAMPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with