^

True Confessions

Suklam (89)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

IPINANGAKO ni Brent na didistansiya na kay Mara lalo na nang malaman na may asawa pala ito at nasa Saudi. Delikado kapag nalubog siya kay Mara. Walang ipinagkaiba si Mara kay Vivian.

Pero habang lumalayo si Brent kay Mara, hinahabol naman siya nito. Tinutukso. Gusto siyang mabulid sa kasalanan.

Isang umaga, pinunta­han siya ni Mara sa kanyang opisina. Alam ni Brent, gustong maulit ni Mara ang nangyari sa kanila sa stockroom.

At may sinabi pa ito na ikinagulat ni Brent.

“Magsama na tayo Brent. Kahit saan mo ako dalhin!’’

“Hindi mo alam ang sina­sabi mo, Mara. May asawa ka!’’

Hindi na tumanggi si Mara.

“Oo may-asawa ako pero hindi ko siya mahal. Ikaw ang gusto ko.”

“Init lang ng katawan ‘yan, Mara.’’

“Hindi Brent! Magsama na tayo!’’

“Mag-isip kang mabuti, Mara.’’

Itutuloy

vuukle comment

SUKLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with