^

PSN Palaro

TNT dikit na sa korona

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
TNT dikit na sa korona
Sina PBA Commissioner Willie Marcial at ang Best Player of the Conference na si Magnolia Hotshots Calvin Abueva.
PBA Image

Abueva best player of the conference

MANILA, Philippines — Isang panalo na lang ang kailangan ng TNT Tropang Giga para makamit ang kanilang unang kampeonato matapos ang anim na taon.

Pinatumba ng Tropang Giga ang Magnolia Hotshots, 106-89, sa Game Four ng 2021 PBA Philippine Cup Finals kahapon sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Nagposte si super rookie Mikey Williams ng 26 points para igiya ang TNT sa 3-1 bentahe sa kanilang best-of-seven championship series ng Magnolia habang may 12 at tig-10 markers sina Jayson Castro, Ryan Reyes at Dave Marcelo, ayon sa pagkakasunod.

Tatangkain ng Tropang Giga na tapusin ang serye sa Game Five bukas.

Huling naghari ang PLDT franchise noong 2015 Commissioner’s Cup.

“I’m not even thinking about it. My focus is on the next game,” wika ni coach Chot Reyes na nakahugot kay Troy Rosario ng 5 points, 2 boards, 1 assist at 1 block sa loob ng 17 minuto.

Naglaro si Rosario sa kabila ng pagkabali ng hinliliit sa kanyang kaliwang kamay at naranasang spinal shock nang pabagsakin ni Jackson Corpuz sa Game Three.

“He said he wanted to try and I thought of him by being there the message of courage will rub off to his teammates,” ani Reyes sa kanyang big man.

Tumipa si Best Player of the Conference Calvin Abueva ng 28 points sa panig ng Hotshots at may 17, 15, 13 at 11 mar­kers sina Ian Sangalang, Paul Lee, Mark Barroca at Rome Dela Rosa, ayon sa pagkakasunod.

Sinamantala ng TNT ang 18 turnovers ng Magnolia sa first half para ta­ngayin ang 18-point lead, 57-39, sa halftime patungo sa 100-83 bentahe sa hu­ling 2:35 minuto ng fourth quarter.

Samantala, kumo­lekta ang tinaguriang “The Beast” ng kabuuang 934 votes para sa kanyang ikalawang BPC matapos ang limang taon kasama ang premyong P50,000 mula sa Davco.

Unang nakuha ng 6-foot-2 na si Abueva ang nasabing karangalan noong 2016 Commis­sioner’s Cup habang kuma­kampanya para sa Alaska.

Naungusan ng  tubong Angeles City sina Robert Bolick ng NorthPort, ang teammate niyang si Ian Sangalang, TNT rookie guard Mikey Williams at six-time PBA MVP June Mar Fajardo.

vuukle comment

TNT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with