^

PSN Palaro

2-0 lead kinagat ng T-Wolves sa Suns

Pilipino Star Ngayon
2-0 lead kinagat ng T-Wolves sa Suns
Nakawala si Wolves forward Jaden McDaniels sa depensa ng Suns sa Game 2.
STAR/File

MILWAUKEE — Humataw si Jaden McDaniels ng 25 points para tulungan ang Minnesota Timberwolves sa 105-93 paggupo sa Phoenix Suns at kunin ang 2-0 lead sa kanilang Western Conference first-round series.

Nagdagdag sina Mike Conley at Rudy Gobert ng tig-18 points para sa Wolves habang nalimita­han si Anthony Edwards sa 15 points matapos bumanat ng 33 markers sa panalo nila sa Game One.

Umiskor si Devin Boo­ker ng 20 points para sa Suns at nag-ambag sina Kevin Durant at sixth man Eric Gordon ng 18 at 15 markers, ayon sa pagkakasunod.

Itinala ng Suns ang eight-point lead sa second quarter patungo sa 51-50 halftime lead kasunod ang ratsada ng Timberwolves para kunin ang 84-76 bentahe na kanilang pinalobo sa 19-point advantage sa fourth quarter.

Sa Los Angeles, kumamada si Luka Doncic ng 32 points at may 23 markers si Kyrie Irving para igiya ang Dallas Mavericks sa 96-93 pagdaig sa Clippers at itabla sa 1-1 ang kanilang first-round playoff series.

Nagkadena sina Paul George at James Harden ng tig-22 points sa panig ng Los Angeles habang humakot si Ivica Zubac ng 13 points at 12 rebounds.

Sa Milwaukee, nagpa­kawala si Pascal Siakam ng 37 points para pamunuan ang Indiana Pacers sa 125-108 pagresbak sa Bucks at itabla sa 1-1 ang kanilang Eastern Confe­rence first-round playoff series

Kumolekta si Myles Turner ng 22 points para sa Pacers kasunod ang 20 markers ni Andrew Nem­bhard.

vuukle comment

JADEN MCDANIELS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Vape!
1 day ago
1 day ago
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with