^

PSN Palaro

Holt inilusot ang Dyip sa Batang Pier

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Holt inilusot ang Dyip sa Batang Pier
Pinilit ni Stephen Holt ng Terrafirma na iwanan si NorthPort rookie Zav Lucero.
PBA Image

MANILA, Philippines — Isinalpak ni Stephen Holt ang game-winning layup habang depensa ang ginamit ng Terrafirma sa dulo para takasan ang NorthPort, 110-108, sa Season 48 PBA Philippine Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Kumolekta ang No. 1 overall pick na si Holt ng 22 points, 12 rebounds, 5 assists at 4 steals sa pagpigil ng Dyip sa kanilang two-game losing skid para sa 5-5 baraha at buhayin ang tsansa sa quarterfinals.

Nahulog ang Batang Pier sa pang-limang dikit na talo para sa 4-6 kartada.

Tinapos din ng Terrafirma ang kanilang se­ven-game losing slump sa NorthPort simula noong 2020 Philippine Cup.

Itinala ng Dyip ang 12-point lead, 73-61, sa 6:31 minuto ng third period mula sa basket ni Javi Gomez De Liano bago nakadikit ang Batang Pier sa 102-104 galing sa dalawang free throws ni Allyn Bulanadi sa 3:23 minuto ng fourth quarter.

Tuluyan nang nakatabla ang NorthPort sa 108-108 sa huling 24.6 segundo mula sa dalawang foul shots ni Arvin Tolentino kasunod ang salaksak ni Holt sa nalalabing 3.1 segundo para sa 110-108 bentahe ng Terrafirma.

Bigo si Tolentino na makaiskor sa huling po­sesyon ng Batang Pier nang harangin ni 6-foot-8 Kemark Carino para itakas ang panalo ng Dyip.

Nagdagdag si Juami Tiongson ng 21 points para sa Terrafirma at may 19, 14 at 10 markers sina Louie Sangalang, Gomez De Liano at Isaac Go, ayon sa pagkakasunod.

Binanderahan ni Tolentino ang NorthPort sa kanyang 25 points habang may 18 markers si Cade Flores.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Vape!
1 day ago
1 day ago
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with