^

PSN Palaro

Meralco puro na sa no. 2 spot sa quarters

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Meralco puro na sa no. 2 spot sa quarters
Inunahan ni Bong Quinto ng Meralco sa basket si Marion Magat ng Blackwater.
PBA Image

Blackwater nagtayo ng PBA record na 0-19

MANILA, Philippines — Kasabay ng pagdikit ng Meralco sa No. 2 seat sa quarterfinal round ay ang pagpapalasap sa Blackwater ng PBA record na ika-19 sunod na kamalasan.

Iwinasiwas ng Bolts ang Bossing, 104-97, para manatili sa ikalawang puwesto sa 2021 PBA Phi-lippine Cup kahapon sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Kumolekta si Allein Maliksi ng 21 points para sa 7-2 baraha ng Meralco at humakot si center Raymond Almazan ng 15 markers, 17 rebounds at 3 blocks.

Nag-ambag sina Reynel Hugnatan at Trevis Jackson ng tig-14 points kasunod ang 10 markers ni Bong Quinto.

Nalasap ng Blackwater ang kanilang pang-11 dikit na kabiguan sa torneo at record na ika-19 sunod na kamalasan simula noong 2020 Clark bubble na sumira sa 0-18 kartada ng Great Taste/Presto franchise noong 1980.

“Winning this game is very important for us. Even though it wasn’t pretty in the second half, I’ll take it,” sabi ni coach Norman Black sa pagpapabaya ng kanyang Bolts sa itinayong 29-point lead, 75-46, sa third period.

Maaaring makopo ng Meralco ang No. 2 berth kung mananalo alinman sa nagdedepensang Barangay Ginebra at NLEX.

Sa ikalawang laro, tinapos ng TNT Tropang Giga ang eliminasyon bitbit ang 10-1 kartada matapos ba­lasahin ang Alaska, 103-85, para sa kanilang ikaapat na sunod na ratsada.

Tumipa si RR Pogoy ng 18 points para sa Tropang Giga.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with