^

PSN Opinyon

Tamang pagkain sa may diabetes

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Kung gusto ninyong makaiwas sa diabetes, narito ang listahan ng mga puwedeng kainin.

1. Carbohydrates—Ang carbohydrates tulad ng kanin, tinapay at spaghetti ay nagbibigay ng lakas sa atin. Ngunit pinapataas nito ang ating blood sugar. May mga carbo­hydrates na mas mainam para sa may diabetes. Ito ay ang brown rice, wheat bread at spaghetti. Limitahan lang ang pagkain ng fried rice o sinangag, white bread at French fries.

2. Protina at karne—Piliin ang karneng hindi gaanong mataba. Tanggalin ang mga nakikitang taba sa baboy at baka bago ito lutuin. Mas piliin ang mga protinang galing sa gulay tulad ng tofu, tokwa at beans. Ang manok at turkey ay mas healthy kumpara sa baboy at baka.

3. Gulay at prutas—Karamihan ng gulay at prutas ay mataas sa fiber, bitamina at minerals. Sa bawat araw, kumain ng dalawang tasang gulay at dalawang tasang prutas. Puwedeng mas marami ang kainin ng mga lalaki at matatangkad na tao, at mas konti naman ang kainin ng mga babae at bata.

Sa mga may diabetes, bawasan ang pagkain ng kanin at palitan ito ng mas maraming gulay. Sa paghahanda ng ensalada, mag-ingat din sa paggamit ng mayonnaise at Thousand Island sauce na nakatataba. Suka na lang ang sawsawan.

Ang diabetes ay puwedeng magkaroon ng seryosong komplikasyon. Karamihan ng may diabetes ay kulang sa kaalaman kung anong pagkain ang puwedeng kainin at kung ano naman ang dapat iwasan.

Piliin ang mga sumusunod:

Brown rice, Wheat bread, Baked potato, nilagang baka, inihaw na karne (piliin ang tenderloin at sirloin), manok, turkey­, tofu, tokwa, inihaw o sinigang na isda, sari-saring gulay, prutas tulad ng mansanas, peras at saging.

Iwasan o bawasan ang mga sumusunod:

White rice, fried rice, white bread, French fries, pritong baboy at baka, beans, bacon, ham, hotdog, salami, balat ng manok, pritong isda, gulay na nilagyan ng butter, delatang prutas at matatamis na fruit juices.

vuukle comment

DIABETES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with