^

PSN Opinyon

Mag-iimport ng galunggong  

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAIS ni Department of Agriculture (DAR) secretary William Dar na mag-import ng galunggong para mapu­nuan ang kakapusan ng isda sa bansa. Pero tutol dito ang sektor ng mga mangingisda dahil mawawalan sila ng hanapbuhay kapag dumagsa ang imported na galunggong. Malulugi ang mga local na mangingisda at malulunod sila sa kumunoy ng kahirapan. Isa pa, walang ibang makikinabang sa balak na ito kundi ang mga smuggler ng galunggong.

Sa ngayon, dumadaing ang mga mangingisda kay Dar na tulungan sila sa pagkalugmok matapos wasakin ng Bagyong Odette ang kanilang mga bangka. Nasira rin ang kanilang mga palaisdaan. Hiling nila kay Dar na bigyan sila ng subsidiya upang makaahon sa pagkalugmok.

Kung papayagan ni Dar ang pagpasok ng mga imported na galunggong tiyak na malulubog sa kahirapan ang mga kaawa-awang mangingisda. Paano sila kakain? Paano mabubuhay ang kanilang pamilya? Mamamatay sila sa gutom kapag natuloy ang balak ni Dar na mag-import ng 60,000 metrikong toneladang galunggong.

Kaya may katwiran si Sen. Ping Lacson na busisiin ang usapin sa West Philippine Sea. Ayon kay Ping, tone-toneladang isda ang nawawala sa ating bansa at dapat itong imbestigahan. Ayon kay Ping, hindi tayo dapat mag-import ng galunggong. Bakit daw mag-iimport. Ayon sa senador, nararapat bigyan ng proteksiyon­ ang mga mangingisda natin na pumapalaot sa West Philippine Sea.

Isa naman sa problemang dapat tuunan ni Dar ay ang nagyayaring fish kill sa maraming lugar sa bansa katulad sa Ilocandia. Dapat kumilos si Dar upang masulusyunan ito. Pakilusin niya ang mga taga-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources upang masolusyunan ang pagkamatay ng mga isda.

vuukle comment

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with