^

Metro

AWOL na pulis, itinumba sa Maynila

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
AWOL na pulis, itinumba sa Maynila
Sa ulat ng Tondo Police Station, nag-iinuman ang biktima at kapatid niyang si Mark Harold Ramos sa gilid ng kalsada sa kanto ng Tuazon at Sto. Nino Street sa Tondo nang huminto sa tapat nila ang isang kulay berde na van.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang AWOL (absent without leave) na pulis  nang pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakikilalang salarin sa Tondo, Maynila nitong Martes ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Richard Ramos, 44, ng  San Ignacio St. cor. J.P. Rizal St., Brgy. 104 Tondo.

Sa ulat ng Tondo Police Station, nag-iinuman ang biktima at kapatid niyang si Mark Harold Ramos sa gilid ng kalsada sa kanto ng Tuazon at Sto. Nino Street sa Tondo nang huminto sa tapat nila ang isang kulay berde na van.

Dito biglang bumaba ang tatlong lalaki na walang sabi-sabi at pinagbabaril ang biktima saka mabilis na tumakas lulan ng naturang behikulo.

Huli na nang makaresponde ang mga pulis nang matagumpay na nakatakas ang mga salarin.  Hindi na naisugod sa pagamutan ang biktima nang agad na masawi kaya dinala na lamang ang kaniyang labi sa Funeraria Cruz para sa awtopsiya.

Narekober naman ng mga tauhan ng MPD-Scene of the Crime Operatives sa lugar ng krimen ang 10 napaputok na cartridges, tatlong mga piraso ng deformed na bala, isang napaputok na bala ng kalibre .45, at isang cartridge ng pinaniniwalaang 5.56 kalibre ng baril.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente kabilang ang pag-alam sa background ng nasawi upang makakuha ng lead sa motibo habang inaalam kung may CCTV sa bisinidad para masuri ng mga imbestigador.

vuukle comment

AWOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with