^

Bansa

Singil sa kuryente ngayong Hulyo, posibleng bumaba

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Singil sa kuryente ngayong Hulyo, posibleng bumaba
Sa halip na dagdag-singil, sinabi ng Meralco kahapon na maaaring bumaba na ang singil nila ngayong buwan dahil na rin sa P21 bilyon na refund order ng Energy Regulatory Commission (ERC).
STAR/ File

MANILA, Philippines — Kumambiyo ang Manila Electric Co. (Meralco) mula sa unang anunsiyo nito na maaaring tumaas ang singil ng kuryente ngayong buwan ng Hulyo.

Sa halip na dagdag-singil, sinabi ng Meralco kahapon na maaaring bumaba na ang singil nila ngayong buwan dahil na rin sa P21 bilyon na refund order ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Ito’y katumbas ng 86 sentimo kada kilowatt hour (kwh) na refund ng mga residential customers.

Sa pagtaya ng Meralco, kahit na tumaas ang ibang component ng bill, gaya ng generation charge, ay kaya itong matapalan ng naturang refund.

“There is a big possibility na bumaba ang July rates because of this. There is a probability na imbes na pagtaas dahil sa generation charge, ay bababa ‘pag binangga mo na ‘yung reduction through the refund order by the regulator,” ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco.

Inaasahan namang magiging malaking tulong sa mga residente ang pagbaba ng singil sa kuryente, ngayong patuloy na tumataas ang mga presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.

vuukle comment

MERALCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with