Isolation facilities sa ‘monkeypox’, inihahanda na
MANILA, Philippines — Kumikilos ngayon ang Department of Health (DOH) para sa alokasyon ng ‘isolation facilities’ sakaling pumasok sa bansa ang ‘monkeypox virus’.
Wala pa namang natutukoy ang Pilipinas na ‘monkeypox virus’ na maaaring makumpirma lamang sa bansa sa pamamagitan ng ‘genome sequencing’. Sa buong mundo, nasa 219 kaso na ang naitala sa mga bansa.
Una nang inihayag ng ahensya ang pagpapatupad ng ‘4-door strategy’ para maagapan ang pagkalat ng monkeypox.
Sa pagpapatupad ng Doors 1 at 2 nito, ang RTIM ang itatalagang pangunahing ‘isolation facility’ sa mga ‘suspect, probable at confirmed’ kaso ng monkeypox.
Itatalaga rin ng DOH Field Implementation and Coordination Team at ng One Hospital Command Center, ang mga ‘regional isolation facilities’ at ospital para dito.
Sa Doors 3 at 4, kailangang maghanda ang lahat ng pampublikong pagamutan ng sariling ‘isolation at treatment facilities’. Kailangang pribadong kuwarto ito na may ‘negative air pressure’.
Samantala, wala pang RT-PCR test kit para mag-test ng monkeypox.
Ang paraan para malaman kung meron o walang monkeypox ay thru whole genome sequencing, ayon kay Dr. Alethea De Guzman, head ng Department of Health Epidemiology Bureau.
Kasama sa sintomas ng monkeypox ang pagkakaroon ng kakaibang klase ng rashes o pantal sa katawan, pananakit ng ulo, lagnat, myalgia, pananakit ng likod, panghihina, at pamamaga ng kulani.
- Latest